Abante Tonite Interactive

‘World at PHL record’ sa 5K Media Run ng 42nd Nat’l Milo Marathon!

By
1,781

Noong Hunyo 7, inilunsad ng Strategic Edge, Inc., isa sa public relations firm ng Nestle Philippines, Inc., ang 42nd National MILO Marathon 2018 na bubuuin ng 11 yugtong mga karera sa kapuluan ng bansa.

Magdadalawang dekada na sa Manila Eliminations at sa National Finals ng NMM na may isang side event na matagal na inaaba­ngan ng mga taga-media, kalauna’y naging makulay din sa NMM maliban siyempre sa main event, ang full-marathon o 42.195K.

Ang 5K Media Run ng tri-media (print, TV at radio), ang isa sa dating inaabangang pampalabok na distansiya rito, sabi dati ni Nelson Beltran ng Phi­lippine Star.

Kabilang sa mga nanalo rito ang inyo pong abang lingkod, maraming beses naming dinomina ito ni A­ngelito Oredo na kasama na rin natin dito sa Abante at Abante TONITE.

Ilan pa sa mga nagwagi ay sina Joselito Cinco ng People’s Tonight, freelancer Jose Ramon Lorenzo, Alfonso Catabay, Jr., Anthony Servinio ng Bulgar at iba pa para sa men’s division.

Samantalang sa women’s division ay sina Gertrudes Turno ng Balita, Ma. Victoria Awitan ng Balita, Elvira Calumpang-Altez ng Abante/Abante TONITE, Gina Lopez ng Bulgar, Bartbette Atienza-Soliver na noo’y nasa Manila Bulletin at iba pa.

Sa parating na Manila Eliminations ng 2018 NMM sa Hulyo 29 sa SM MOA grounds-Pasay City, baka hindi na po ako sumali. Kasi baka gaya noong isang taon, wala na namang mailabas na resulta ang marathon organizer Walk Rio, este Run Rio.

Isa pa, nagpalabas ba naman si Dela Cruz, na isang linggo pa bago malaman ang resulta ng 5K Media Run.

Kung magkaganon, nakatakda itong ma­ging ‘world record’ at ‘national mark’ bilang pinakamabagal sa pagpoproseso ng resulta sa kabila ng pagiging computer age na. Aba, mabilis pa ang lakad ng pagong kaysa sa sinasabi ni Rio na siya na ang pinakamagaling na race organizer sa Pilipinas.

Kung noong araw na ‘di pa computer, ilang minuto lang pagkatawid ng mga runner sa finish line, maya-maya kompleto na ang mga resulta at may awarding ceremony na.

***

Belated happy birthday to Atasha Nicolette Garcia of Caloocan City, who turned six years old last Sunday, June 17. Greetings from Mommy Anita ‘Anne’ Abad.

And to my colleague, PSC-POC Media Group secretary Lito ‘Big Bird’ Oredo, who turned another year-older today, Tuesday, June 19.