Abante Tonite Interactive

World No. 6 ng Greece papalo kontra ‘Pinas

371

Makakasaksi ang Pilipinas ng world-class tennis sa pagsagupa kontra kay world No. 6 Stefanos Tsitsipas at malakas na Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila.

Nakatakdang makatapat ng mga Pilipinong tennister si Tsitsipas at ang mga Greeks matapos isa­gawa ng mga Davis Cup organizer ang bagong format na nagbigay daan para maitakda na non-Asian ang kalaban sa unang pagkakataon sapul na makahampa­san ang Swedes sa 1991 World Cup qualifier.

“We’re looking forward to a really tough duel but we’ll try to use the experience to toughen up the team,” sabi ni PH non-playing captain Chris Cuarto.

Maliban pa sa ­Francis Casey Alcantara-Jeson Patrombon duo, kakatawin din sa host team sina Alberto Lim Jr., Eric Olivarez Jr. at Fil-Am Ruben Gonzales.

Ang magkapatid­ na Tsitsipas kasalo ang nakababatang si Petros, at sina Michail Pervolarakis at Markos Kalovenolis habang ang ibang miyembro ng dayuhang koponan kung saan si Dimitris Chatzinikolaou ang skipper.

Gayunman, nakatu­tok ang lahat sa talento­ ni Tsitsipas na inaasa­hang magbibigay problema sa mga ­Pinoy. (Lito Oredo)