Abante Tonite
Mabilis sa Balita

World Series nilalangaw

0 126

Tinatabangan na ba ang Americans sa kanilang national pastime na baseball?

Record-low audience ng television viewers ang nanood sa unang dalawang laro ng World Series, ayon sa Nielsen Media Research.

Sa series-tying 6-4 win ng Tampa Bays sa Los Angeles Dodgers sa Game 2 noong Miyerkoles, pumalo lang sa 8,950,000 ang average viewers sa Fox.

Nasa 9,195,000 average viweres naman sa opening 8-3 victory ng Dodgers noong Martes.

Dapat ay mas maraming nakatutok sa TV dahil may pandemic at bawal lumabas. Katunayan, 11,000 lang ang pinapapasok sa neutral ground Globe Life Field.

Sa Arlington, Texas pa rin ang Game 3 mamaya.

Si Charlie Morton at starter ng Rays laban kay Walker Buehler ng Dodgers.

Dahil wala namang biyahe sa pagitan ng mga laro, isang buong araw na naka-recover ang bullpens ng magkabila. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.