Abante Tonite Interactive

World Slasher Cup 2 may padiskuwento

331

Magkikita-kita na naman sa ruweda ang world class cockers at breeders para sa 2019 World Slasher Cup 2 sa May 27-June 2 sa Araneta Coliseum, QC.

Magpapa-discount sa early bird sabong fans kapag bumili ng ticket sa April 8 at 30, ang P1,800 na Patron tickets ay babayaran na lang ng P1,620, habang ang P1,200 na Upper box ay magkakahalaga na lang ng P1,080.

Tinaguriang Loyalty Promo, lahat ng dates ng laban na bibili ng ticket, P900 na lang ang halaga ng Patron, at P6,000 na lang sa upper box.

Binebenta na ang mga ticket sa Tickenet box office, katabi ng Yellow Gate ng Big Dome sa QC o mag-abiso lang sa www.tickenet.com.ph.

Noong Pebrero, solo champion ang mag-partner na sina American Cris Copa ng Kentucky at Claude Bautista ng CPB group sa Minda­nao sa first leg ng WSC.

Tumirada sila ng perfect nine points kung saan binangga ang mga pambatong Kelso, Roundhead, at Sweater.(Elech Dawa)