Abante Tonite
Mabilis sa Balita

World Street Skating: Didal sokpa sa quarters

0 79

MATAPOS ang kanyang Olympic stint sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics, target naman ngayon ng skateboarding superstar na si Margielyn Didal ang makakuha ng tiket para sa 2024 Paris Olympics.

Kasalukuyang nasa Roma ang 23-anyos na si Didal para sa World Street Skating 2022 na isang Olympic qualifier kung saan kabilang siya sa nakapasok sa women’s quarterfinals.

Kasama nito ang mga bigating pangalan sa larangan ng nasabing sports gaya ng number one rank sa US na si Mariah Duran at Dutch star na si Roos Zwetsloot.

“Ginagawa ko lang ‘yung gusto kong gawin. I’m just doing my thing,” pahayag ng miyembro ng LGBT community na si Didal.

Ayon kay Didal, malaki ang naging pagbabago sa pagtingin sa sports na skateboarding ng ibang tao buhat nang makapasok siya sa nakaraang Olimpiyada kung saan siya lumahok sa Women’s Street at tumapos ng ikapitong puwesto.

“Binago ng Olympics ‘yung tingin ng mga tao sa skaters. Dati ang mindset ang skateboard walang future. But after the Olympics, iba na tingin ng mga tao, it really changed a lot,” ani Didal.

Patuloy ang isang linggong qualifying event sa Roma kung saan 63 skaters ang nagpakitang-gilas para sa kanilang Olympic dream nitong nakaraang Biyernes, habang wala pang bagong resulta para sa quarterfinals na kinabilangan ni Didal. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.