Abante Tonite Interactive

World’s most valuable sports franchise ang Dallas Cowboys

By
902

Itinanghal muli ng Forbes magazine bilang “world’s most valuable sports franchise” sa tatlong magkasunod na taon ang Dallas ­Cowboys.

Nakapagtala ang Cowboys ngayong taon ng halos 840 million dollar revenue at 350 million dollar earnings, interest, taxes, depreciation at amortization.

Ang Cowboys ang nag-iisang National Football League team na nakapuwesto sa top five, kabilang na ang tatlong soccer team.

Abante Hiring – IT dep

Pumalo ng 4.8 billion dollars ang halaga ng Dallas Cowboys. Sumunod ang Patriots na may 3.7 billion, Giants (3.3 billion), Redskins (3.1 billion) at 49ers (3.05 billion).