Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wormhole sa Panaginip

0 430

Mga ka-Misteryo may mga panaginip ba kayo na hindi basta maipaliwanag sa totoong reyalidad ng buhay? Tulad na lamang ng panaginip ni Hector ng Mindanao.

Yan ang ating paksa ngayon: “Kapag may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Naibabala ni Hector ang kanyang panaginip nang makita niya ang animo’y kalawakan sa labas lamang ng balkonahe ng kanilang bahay.

Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Hector.

Misteryo: “Ano yung nakita mo? Kalawakan? Pero May binanggit kang wormhole na umiikot? Tama ba?”

Hector: “Oo dun nga ako nagtataka. Pakiwari ko nga para akong tatangayin ng wormhole na yun kaya natakot ako.”

Misteryo: “May narinig ka ba o iba pang napansin habang nakikita mo yung wormhole?”

Hector: “Narinig ko ang isang boses na nagsabing migration. Hindi ko malaman ang meaning pero mukhang may kinalaman sa wormhole. Siguro kaya ito I-explain ng mga dream interpreter na makakaalam sa experience ko.”

Misteryo: “Pwedeng may kuneksyon nga dun sa salitang migration at wormhole na yun. Pero personally, baka May suhestyun sayo na magtuluy tuloy ka sa ginagawa mo sa ngayon kasi progression din yun.

Hector: “Oo nga kaya kailangan umabante sa buhay kahit may covid19.

Misteryo: “Bukod sa wormhole may iba ka pa bang at kailangan ko lang ulitin ang tanong ko.

Hector: Malabo lang yung iba hindi ko na maalala pero itong wormhole ang totong lumitaw sa dream ko.”

Kung Ano ang tunay na kahulugan ng panaginip ni Hector ay maaaring siya rin ang makakaalam batay sa kanyang mga susunod na karanasan sa buhay. Kayo baka may panaginip ho kayo.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ay paranormal, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.