Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wow mali! Mangingisda, PCG naghabulan

0 193

Nawala ang kaba ng ilang mangingisda na hinabol ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ng umaga sa karagatan ng Anilao, Mabini, Batangas.

Ito ay matapos malaman ng nagtakbuhang mangingisda na bibigyan pala sila ng ayudang bigas at mga de lata sa halip na huhulihin dahil sa violations.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Alex Atienza, mangingisda sanay na daw sila na makakita ng mga nagpapatrulyang PCG pero ang ipinagtaka nila ay kung bakit hinabol sila gayong wala naman silang ginawang paglabag.

Nang magkaabutan, luminaw ang lahat nang makita ng mga mangingisda na may bitbit palang ayuda ang mga taga-Coast Guard para sa kanila.

Nabatid na tulong umano iyon ng mga Coast Guard sa mangingisdang naapektuhan ng nagdaang bagyong Quinta at COVID-19 pandemic. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.