Abante Tonite Interactive

WPS importante sa US

130

Ipinapakita ng Estados Unidos kung gaano kaimportante sa kanila ang West Philippine Sea (WPS) kaya mismong si United States (US) Secretary of State John Kerry ang pumunta sa Pilipinas.

Ganito inilarawan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang perso­nal na pagpunta ni Kerry sa Pilipinas para maki­pag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng WPS na kamakailan ay ipinanalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA).

“Ibig sabihin nu’n (pagpunta ni Kerry sa Pilipinas), napaka-importante ang issue ng West Philippine Sea o South China Sea sa policy ng United States. Ganun kaimportante to the point na si Secretary Kerry mismo ang pupunta dito to affirm that commitment,” ani Alejano.

Ikinatuwa rin ng mambabatas ang ginagawang aksyon nga­yon ng Amerika, Australia at Japan na pine-pressure ang China na sumunod sa PCA ruling at itigil na ang military construction sa WPS.

“Part na ito ng pressure ng international community sa China to abide (sa PCA ruling),” ani Alejano kaya dapat umano itong sundutin pa ng Pilipinas para makuha ang tulong ng buong international community.