Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright atat na sa aksiyon

0 183

Kahit na sabik na muling magbasketbol, pinaalalahanan ni Phoenix Super LPG stalwart Matthew Andrew Christopher Wright ang lahat na mag-ingat at sumunod sa mga health protocol ngayong panahon ng pandemiya.

Ngayong patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, hiniling ng 30-year-old, 6-foot-6 Fil-Canadian swingman ang kaligtasaan para sa lahat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinalugitan pa ng isang linggo ng Inter Agency Task Force hanggang April 11 ang nakataas na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region plus, kasama ang Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

“Tired of waiting to play this game. I miss hooping but more importantly I miss performing for the fans and giving them a few hours of joy and excitement,” caption ng veteran baller sa kanyang latest Instagram post nitong Lunes.

Dugtong pa ni Wright, “Basketball embedded in the social fabric of the Filipino people and can be a form of healing during tough times. Everyone stay safe and abide by health protocols so we can give the people what they want.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.