Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright, Black nagpasiklab

0 117

Smart Clark Giga City – Si Matthew Wright na ba ang Mr. Right ng Phoenix Super LPG?

Humaharabas ang Fil-Am wingman sa unang yugto ng playoffs ng Philippine Cup sa Pampanga bubble, nag-deliver ng game-winning 3 para itulak ang Fuel Masters sa ga-buhok na 89-88 win kontra Magnolia.

Tumapos ang 29-year-old ng 32 points, 9 assists at bumalik ng semis ang Fuel Masters, hahamunin sa best-of-five ang TNT. Inumpisahan na ang series kahapon sa Smart 5G-powered AUF gym.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Si Wright ang unanimous choice bilang Cignal TV-PBA Press Corps Player of the Week (Nov. 9-15).

Nag-average ang 6-foot-4 player ng 20.0 points, 4.3 rebounds at 7.3 assists sa 2-0 card ng Phoenix sa final week ng eliminations para mag-No. 2 at twice-to-beat sa quarters.

Sa ikalawang sunod na linggo, si Aaron Black ng Meralco ang tumanggap ng Rookie of the Week citation mula sa miyembro ng media na regular na nagku-cover ng PBA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.