Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright dismayado sa Fuel Masters

0 108

Isa pang de-kalidad na manlalaro kay Matthew Wright ang posibleng mag-ober da bakod kung magpapatuloy ang mabagal na negosasyon sa panibago niyang kontrata sa Phoenix Super LPG para sa 47th Philippine Basketball Association 2022 na planong buksan sa Hunyo.

“Negotiations haven’t changed,” bulalas ng 31-year-old, 6-foot-4 All-Star guard-forward , na pwedeng maglaho sa poder ng Fuel Masters at tumawid sa 8th Japan B. League 2022-23.

Habang optimistiko ang miyembro rin ng Gilas Pilipinas para sa papasok na buwang 31st SEA Games sa Hanoi, nadidismayasiya naman siya patuloy na walang direksyong usapan sa kanyang mother pro team hanggang nitong Miyerkoles ng gabi.

“Phoenix has yet to reply to my counter-offer,” sey ng Fil-Canadian, na kinukunsidera na ang dalawang tsansang naghihintay sa kanya sa ibang bansa tulad ng Japan, at maging sa Korea. “Japan is really becoming a possibility as we have been looking at potential cities to live in.”

Hinirit nang kasalukuyang nasa Canada na nakahanda na ang kanyang pamilya para lumipat siya at hinihintay na lang din aniya ang negative COVID test results niya para makabalik sa ‘Pinas upang sumama sa Gilas training. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.