Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright gusto na magpatali

0 267

Ibinahagi ng star player ng Phoenix Super LPG na si Matthew Wright ang larawan ng kanyang proposal sa nobya, kita sa larawan ang pagkagulat ng nobya nito sa kanyang pagluhod sabay propose ng kasal.

Sa Toronto, Canada nangyari ang nasabing proposal, nahanap na ni ‘Mister Wright’ ang kaniyang ‘Misis Wright’, si Matthew at Gabriela ay may anak na dalawang taon na si Roman.

Natuwa naman ang mga kasamahan nito sa liga at nagpadala ng pagbati sa kanyang post, ani Kevin Alas, “Congrats Brother!”

Maging sina Chris Ross, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Chris Newsome at Joe Devance ay binati si Wright sa kanyang engagement. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.