Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright igagapos ng Magnolia

0 119

Smart Clark Giga City – Win-once din ang No. 2 Phoenix Super LPG laban sa Magnolia Hotshots sa quarterfinals match nila mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym.

Magkabuhol ang Fuel Masters at Ginebra sa 8-3, pero dahil sa winner-over-the-other rule, ang Gin Kings ang top seed ng PBA Philippine Cup.

Dalawang do-or-die match ang kailangang itawid ng Pambansang Manok para umusad. Tinalo ng Phoenix ang Magnolia 91-84 sa elims noong Oct. 23.

Hindi pa nali-lift ang indefinite suspension noon ni Fuel Masters forward Calvin Abueva, si Matthew Wright ang humarabas ng 23 points at 7 rebounds na dinagdagdan ng 20 at 12 ni Jason Perkins.

SM food to go Banner Ad

Nakabalik mula 16-month suspension si Abueva, tinulungan ang Phoenix na tapusin ang elims sa four straight wins. Steady rin ang pag-deliver nina Justin Chua at veterans RJ Jazul at JC Intal.

Mula naman sa talong ‘yun, nagtuhog ng six straight wins ang Hotshots para tapusin ang kampanya sa elims para pinakamainit na bumiyahe sa playoffs

Hindi umabot sa top 4 ang Magnolia, kabuhol sa five-way logjam sa third-seventh sa 7-4 pero napadpad sa No. 7 dahil sa mas mababang quotient.

Si Paul Lee ang bida sa final five games ng Magnolia, nag-average ng 22+ points. Mainam din ang kontribusyon nina Ian Sangalang, Chris Banchero, Jio Jalalon, Mark Barroca at rookie Aris Dionisio. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.