Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright kamador sa PBA bubble

0 407

Sorpresang scoring leader si Matthew Wright ng Phoenix Super LPG sa halfway mark ng 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble na magpapatuloy mamaya sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

May average na 25.7 points sa seven games sa tatlong linggo ang Fil-Canadian, habang humihinga sa batok niya sina Christian Jaymar Perez ng Terrafirma (25.2 markers per game sa limang laro) at Roger Ray Pogoy ng TNT (22.8 kada salang sa six games).

Top rebounder si NorthPort center Christian Standhardinger sa 11.4 average sa five games para makaungos kina San Miguel Beer forward Arwind Santos (10.7 sa 6 games) Dyipni Jason Perkins (10.0).

SM food to go Banner Ad

Magkasalo sina Earl Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel at Tropang Giga William Jayson Castro ng TNT assists sa 6.0 per night sa six at five games, ayon pagkakasunod. May 5.8 si Batang Pier Sean Anthony.

1-2-3 sa field goal percentage sina Raul Soyud ng NLEX sa 71.8%, kasunod sina Alaska Milk rookie Barkley Eboña (63%) at SMB’s Moala Tautuaa (59.7).

Pa-wow sa 3-points sa 58.3% si Gin King Prince Caperal , kasunod sina TNT’s Baobby Ray Parks Jr. (56.7% at Road Warrior Garvo Lanete (58.4%).

Top three free throw shooters ina NLEX’s Kiefer Isaac Ravena (89.8%), San Miguel’s Marcio Lassiter (89.5%) at Wright (89.1%), samantalang uno-dos sa steal sina Beerman Chris Ross(2.8) at Perez (2.8) kasama si Andy Mark Baroca ng Magnolia Hotshots (2.2). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.