Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright lider sa statistical pts

0 144

Smart Clark Giga City – Si Phoenix gunner Matthew Wright ang nangunguna sa naipong statistical points pagkatapos ng 11-game eliminations ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Ang all-Filipino lang ang na-salvage sa 45th season na pinigil ng coronavirus pandemic. Lahat ng laro ay sa Smart 5G-powered Angeles University Foundation gym ginawa.

May 39.5 average statistical points (SPs) si Wright mula sa 22.8 points, 5.4 rebounds, 6.0 assists, 1.4 steals per game sa 11 salang sa elims. No. 2 ang Fuel Masters at bumiyahe sa semis matapos sipain ang Magnolia.

Pumapangalawa si reigning Rookie of the Year CJ Perez ng Terrafirma (35.7 SPs), league-leading ang 24.4 ppg. May 5.4 rpg, 4.3 apg at 2.0 spg rin siya.

Pangatlo si Jason Perkins (35.5 SPs) ng Fuel Masters sa 19.1 ppg, 9.5 rpg, 2.3 apg. Pang-apat si Ray-Ray Parks (35.2 SPs) ng TNT sa 20.1 ppg, 8.2 rpg, 2.6 apg, 1.2 spg, Kinumpleto ni Christian Standhardinger (34.6 SPs) ng NorthPort ang top five mula sa 19.9 ppg, league-leading 12.0 rpg, 3.8 apg, 1.2 spg.

Nangunguna sa blocks si Phoenix big man Justin Chua na may 1.7 per game.

Sa rookies, una si Roosevelt Adams (20.3 SPs) ng Dyip sa 10.3 ppg, 8.1 rpg, 0.9 apg. Kasunod sina Aaron Black ng Meralco (18.7 SPs, 7.2 ppg, 4.1 rpg, 2.1 apg; Aris Dionisio ng Magnoia (17.9 SPs); Barkley Ebona ng Alaska (17.1 SPs); at Arvin Tolentino ng Ginebra (14.6 SPs). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.