Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright namutiktik sa tres vs Bossing

0 55

Mga laro ngayon: (DHVSU/Bacolor)

2:00pm — SMB vs Rain or Shine

4:35pm — Ginebra vs TNT

7:00pm — NorthPort vs NLEX

NAGLIYAB sa labas ng 3-point line ang Phoenix Super LPG para ibaon ang Blackwater 114-92 sa second game ng PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga nitong Sabado.

Nahulog sa net ang 19 sa 36 na bato ng Fuel Masters sa long range, tig-apat mula kina Matthew Wright at RJ Jazul na walang iminintis.

Namuno ang tig-17 points nina Jason Perkins at Justin Chua sa Phoenix, sa 4-5 card ay napaypayan ang tsansa sa playoffs. Tumapos si Wright ng 16 points.

Hindi pa nananalo sa siyam na laro ang Blackwater, humaba na sa 17 straight ang talo sapul noong nakaraang season – ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III ay kapantay ng second longest losing streak sa liga.

Natalo ng 18 sunod ang Great Taste noong 1980.

Sa first game, nagtistis ng tig-17 points sina Robert Bolick at Jamie Malonzo para ihatid ang NorthPort sa 104-84 panalo kontra Terrafirma. May 18 points din si Garvo Lanete tungo sa 3-3 card ng Batang Pier, 2-0 habang si team manager Bonnie Tan ang nagmamando dahil wala pa si head coach Pido Jarencio.

Matapos ang three-straight wins, napigil sa 3-6 ang Dyip. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.