Abante Tonite Interactive

Wright: Nawalan kami ng angas!

317

Babalik na si coach Louie Alas sa pagtitimon sa Phoenix, umaasang matutuldukan din ang dalawang sunod na semplang ng Fuel Masters sa PBA Commissioner’s Cup elims.

Resulta sa pisikalan at girian sa Phoenix-TNT game noong June 2 ay suspendido ng dalawang laro si Alas, indefinite suspension kay forward Calvin Abueva.

Sa dalawang laro na wala ang head coach, tumiklop ang Fuel Masters sa Meralco (101-95) at Rain or Shine (89-82) at nabaon sa 1-3.

Pipigain agad ng tactician ang kanyang kaalaman para mapigil ang three-game winning run ng Alaska na 4-2 sa kasalukuyan.

Huling nilaktawan ng Aces ang Bolts 93-89 noong Linggo.

Sa pagtutulungan ng locals sa pangunguna nina Chris Banchero, Vic Manuel at Jeron Teng, naitawid ng Alaska ang panalo sa kabila ng pagkapigil sa foul trouble ni import Chris Daniels.

Tumabo si Banchero ng 23 points, balik-angas si Manuel sa isinumiteng 17 markers at 10 kay Teng. Nagkasya sa 12 points at 7 rebounds si Daniels.
Nabawasan ng ­pangil pero hindi nabahag ang buntot ng Phoenix, dikitan ang dalawang talo. Sa pagbalik ni Alas ay makaka-regroup para bumawi.

“I just feel like we’re losing a bit of our edge, with Calvin gone and coach Louie suspended­ a couple of games,” ani Fuel Masters guard Matthew Wright. “You know, those two guys, especially coach Louie, believe it or not, he’s a source of a lot of our inner toughness.” (Vladi Eduarte)