Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright, Phoenix ibabaon ang TNT

0 122

Semis Game 4 ngayon (AUF gym):
3:45 pm – Meralco vs. Ginebra (Gins lead series 2-1)
6:30 pm – Phoenix vs. TNT (Fuel Masters lead series 2-1)

Smart Clark Giga City – Bugbog na ang TNT laban sa Phoenix Super LPG, pero may natitira pa sa tangke ng Tropang Giga.

Kailangan lang masunod ang gameplan ni coach Bong Ravena sa endgame ng PBA Philippine Cup semifinals series nila.

“’Yung kailangan lang namin, one good execution sa dulo,” ani Ravena. “One good execution lang kami sa offense and defense. Isang maganda lang both ends.”

SM food to go Banner Ad

Iwan ang TNT 2-1 sa best-of-five, isang sablay pa ngayon sa Smart 5G-powered AUF gym ay isasara na ng Fuel Masters ang serye.

Tinakas ng Phoenix ang 92-89 win noong Linggo.

“All the pressure is on TNT, there’s absolutely no pressure on us. We’re out there just having fun,” ani Fuel Masters gunner Matthew Wright, main man sa Game 3 sa kinamadang game-high 25 points. “We’re not even supposed to be here. I’m sure some of you guys didn’t expect us to be here, too, but we’re here.”

Sa likod nina RR Pogoy, Jayson Castro, Ray-Ray Parks, Poy Erram at Troy Rosario ay inumpisahan ng Tropang Giga ang tournament sa five straight wins at naging liyamadong papalaot hanggang finals. Ngayon ay must-win para hindi mapa-exit ng Pampanga bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.