Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wright, Phoenix umalpas sa RoS

0 52

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)
12:30 pm – Magnolia vs. Blackwater
3 pm – Ginebra vs. Terrafirma
6 pm – TNT vs. Meralco

Come-from-behind win ang istorya sa first two games ng PBA Philippine Cup restart sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor, Pampanga.

Nakiuso rin ang Phoenix Super LPG nitong Biyernes nang umahon mula 17-point third quarter deficit para agawan ng panalo ang Rain or Shine 78-77 sa second game.

Maalat na 0 of 14 mula sa field sa first 47 minutes si Matthew Wright, pero hindi nagpaawat nang ikutan si Gabe Norwood bago pinakawalan ang jumper na bumasag sa pang-apat na deadlock tungo sa 78-76 lead ng Fuel Masters 2 seconds na lang.

Sa huling inbound ng Elasto Painters, na-foul ni Wright si Beau Belga pero split ang free throws at dinamba ni Jake Pascual ang rebound sabay sa buzzer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos ng free throws ni Javee Mocon para ilayo ang RoS 74-59 sa 6-minute mark ng fourth, nagkasa ng 17-0 run ang Fuel Masters na tinapos ng tres at 2-pointer ni RR Garcia para agawin ang manibela 76-74.

Tumapos ng tig-18 points sina Garcia at Jason Perkins, may 14 markers at 5 steals si Chris Banchero. Naka-4 points lang si Wright pero may 12 rebounds at 5 assists.

Angat sa 2-4 ang Phoenix, napigil sa 4-3 ang Rain or Shine na binitbit ng 17 points, 12 rebunds ni Mocon.

Nagsalpak naman si Kevin Alaska ng 17 pts. para akayin ang NLEX (2-2) sa paglaklak sa Alaska (2-3), 84-74. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.