Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Writer ng Malvar movie pumanaw na

0 58

Ayon kay Spokesman Joe Lad Santos ng JMV Film Production, producer ng “Malvar Tuloy ang Laban”, pumanaw na si Dr. Edberto Malvar Villegas, Ph.D former head of the University of the Philippines (UP) Political Economy Department and grandson of National Hero Gen. Miguel Malvar.

Yumao siya noong ika-7 ng Setyembre, 2020, sa Makati Medical Center, matapos ma-stroke, at hindi sa pamamagitan ng COVID-19. Nilinaw ng mga doctor na ligtas siya sa naturang sakit. Ang buong Gen. Malvar clan ay humihiling ng panalangin para sa kaluluwa ng namayapa.

Ayon pa kay Santos, si Prof. Ed ay kinikilala sa academe at nationalist movement. Naging political detainee sa panahon ng Marcos Martial Law dictatorship, noong isulat niya ang librong “Gen. Miguel Malvar and the Philippine Revolution” na nailathala lamang pagkatapos niyang makalaya.

Ang mga libro ay ibinahagi sa publiko sa pakikipagtulungan ng mga propesor ng history mula sa UP Historical Department. Ang nasabing aklat ay nagsasalaysay ng buhay ng kanyang lolong si Hen. Malvar. Ito ang pinagbasehan ng script and screenplay ng “Malvar Tuloy ang Laban” movie-documentary.

Ang naturang pelikula ay pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao bilang si Hen Malvar, sa direksyon ni Jose “Kaka” Balagtas, President, Movie Industry Workers for Progress and Development, Inc., mula sa script and screenplay nina Joe Lad Santos and Danny Marquez at bilang Line Producer ay si Ms. Imelda Papin.

Sa larawan ay makikita si Prof Ed (nasa gitna), kasama ang mga kapwa popular na kapatid na sina lawyer Jose Malvar Villegas Jr. (kaliwa), founder of Citizens Crime Watch/Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (CCW/KKK), Chairman-President of Labor Party Philippines (LPP) and Managing Director of JMV Film Production; at si Dr. Bernardo Malvar Villegas (kanan) Ph.D., founder of Center for Research and Communication/University of Asia and the Pacific (CRC/UA&P) and chairman of the committee on Patrimony and Economics of the 1987 Philippine Constitutional Assembly.

Bilang pagkilala sa maiiwang legacy ni Prof. Ed Villegas, ang kanyang mga colleague sa academe ay maglulunsad ng Prof. Ed Villegas Memorial Historical Writers Foundation. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.