Abante Tonite Interactive

Writer ng ‘Ugly Betty’ natagpuang patay

423

Natagpuang wala nang buhay ang 45-anyos na head writer ng American TV series na “Ugly Betty”.

Ayon sa The Sun, nakitang patay si Silvio Horta sa isang motel room sa Miami noong January 7.

Hinihinalang nag-suicide ito matapos makitaan ng self-inflicted gunshot wound.

Nakilala si Silvio sa paglikha sa sikat na ABC show na “Ugly Betty” na pinagbidahan ni America Ferrera.

Naging successful ang show na tumagal ng apat na taon simula nang umere noong 2006. (IS)