Abante Tonite Interactive

WSC champ Berin sabak sa Pasay derby ngayon

0 294

Ganado pa sa titulo ng World Slasher Cup 2 nitong Linggo, ma­ngunguna si Frank Berin sa “Frank and Danny Big Event 5-Cock Derby” sa Pasay City Cockpit ngayon.

Host mismo ng der­bing ito si Berin kasama si ‘Big Event’ campaigner­ Danny Buldog. Ang entry fee ay P22,000.

Ilang kalahok mula sa WSC at World Pitmasters Cup ang kasali sa sabong na mga suportado ng Sagupaan Superfeeds and Complexor 3000.

Sa susunod na Biyernes naman ang siyapol sa PCC ng “Judgment Day 4-Cock Derby” nina Rommel Espinola at Omeng Angeles.

Ang ibang iskedyul sa nasabing sabungan ay ang Ahluck Camsur Triple J 4-Cock Derby sa June 21, EMB 5-Cock Derby sa June 28 at PCC Anniversary 4-Cock Derby sa July 5.

Pati ang maagang umpisa ng 2019 stagfighting na “Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby” sa July 12, 19, 22 at 26 (set A) na proyekto ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa tulong ng breeders associations at cockpit owners ng Luzon.

Kontakin lamang para sa iba pang mga impormasyon ang sinuman kina Erica at Ace saa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 843-1746 at 816-6750.(Enjel Manato)