Abante Tonite Interactive

WSC tribute kay Ray Alexander

125

Mga kasabong ilang buwan na lang at ilalarga na ang 2020 World Slasher Cup na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Enero.

Paniguradong kahit busy pa ang mga bigtime cocker at breeder dahil may sinasalihan pa sila sa kasalukuyan na mga derby, may mga naka-ready na rin silang warriors.

Inaasahang mara­ming sabungero ang susuporta sa 2020 edition ng WSC dahil tribute ang pasabong sa pumanaw na sikat at legendary American-breeder na si Ray Alexander.

Magsisimula ang pupugugan sa 9-Cock Invitational International Derby sa Enero 20 kaya markahan na natin ang kalendaryo mga klasmeyt, kita-kits tayo.
***
Tulad ng sinabi ko, bisi-bisihan ang mga sabungero at breeder ngayong buwan, dahil maraming derby ang mga naka-iskedyul sa kasalukuyan.
Tulad na lang kami, sa November 19 ang finals namin sa King Slasher Cup 1, 6-Stag Derby (2-4 format) na gaganapin sa Bungacag Cockpit, Dingras, Ilocos Norte.

Kaya good luck sa atin at sa lahat ng mga friend natin na magla­laban ngayong buwan.

Sana magpanalo po tayo.

Hanggang sa susunod pong Biyernes mga ka-Abante TONITE, ka-Dalusapi.