Abante Tonite Interactive

WSOP Main Event umarangkada na

By
2,545

Umarangkada na sa Rio Convention Center sa Las Vegas, Nevada ang $10,000 No-Limit Hold’em Main Event ng World Series of Poker (WSOP). Ito po ang itinuturing na world championship ng poker dahil sa dami ng sumasali.

Ngayong taon po ay may 7,874 na sumali sa torneo at karamihan sa mga ito ay naglaro sa Day 1C kung saan may record na 4,571 manla­larong sumali.

Noong 2017 ay may 7,221 manlalarong su­mali sa Main Event.

Dahil sa dami ng sumali ay nasa $74,015,600 ang kabuuang premyo na ipamimigay at ang kampeon ay mag-uuwi ng $8.8 milyon.

Nasa 1,182 kalahok lahat ang makakakuha ng premyo at pinaka­mababa na ang $15,000 na makukuha ng mga ito. Magtatapos ang Main Event sa July 14.

Bale ito ang panga­lawa sa pinakamara­ming sumali sa kasaysayan ng Main Event.

Ang all-time record ay 8,773 noong 2006 edition ng Main Event kung saan ang nagwagi na si Jamie Gold ay nagbulsa ng $12 mil­yon. Bale ang top 12 finisher sa Main Event noong taon na iyon ay nakapag-uwi ng at least $1 milyon.

Sa aking pagkakaalam ay kasali sa Main Event ngayong taon ang ating kababayan na si Mike Takayama pero wala pa tayong balita kung ano ang resulta ng kanyang laro.

Si Takayama ang isa sa mga pinakamagaga­ling na poker player ngayon sa Asya kaya si­guradong hindi ito basta masisibak sa torneo.

Meron na pong Vietnamese na nanalo sa Main Event sa katauhan ni Qui Nguyen na nagwagi noong 2016.

Sana sa nalalapit na panahon ay mangyari rin na Pinoy naman ang magkampeon sa nasabing kompetisyon.