Abante Tonite Interactive

WVL: CSA-M abante sa semis

253

Winalis ng Colegio San Agustin-Makati ang Group B ng 13-Under Competitive Division para makasampa sa semifinals ng 24th Women’s Volleyball League (WVL).

Nilampaso ng CSA (4-0) ang Assumption College (0-3), 25-6, 25-15.

Tungo sa Group A, malinis pa rin ang marka ng De La Salle-Zobel (3-0) matapos pabagsakin ang Immaculate Conception Academy (0-2), 25-20, 25-15, habang nanaig naman ang International Christian Academy (1-1) ­kontra San Beda College-­Alabang (0-3), 25-12, 25-16.

Tuloy-tuloy rin ang pananalasa ng Paref Rosehill (3-0) sa 25-22, 25-19 panalo laban sa SBC-Alabang (1-1) sa Group A ng 13-Under Developmental Division, samantalang wagi rin ang School of Holy Spirit-Quezon City (2-0) kontra sa St. Scholastica’s Manila (0-2) 25-7, 17-25, 15-10.

Wala namang bahid ang mga panig ng King’s Montessori, Sienna ­College at San Antonio de Padua College sa 18-Under Developmental Division. (Janiel Abby Toralba)