Abante Tonite Interactive

Xander Ford magpaparetoke ulit

By

Papasok sa PBB

6,379

KAHIT maraming nagsasabing puno ng gimmick sa kanyang buhay ang social media sensation na si Xander Ford na pinag-usapan nang todo noong nakaraang taon dahil sa kanyang pagpaparetoke para mag-improve ang kanyang hitsura, still, marami pa rin naman ang nag-aabang ng mga latest tungkol sa kanya.

Ayon sa isang malapit kay Xander, hindi pa pala natapos sa pagpaparetoke ang pag-i-improve ng kanyang hitsura dahil patuloy pa rin naman pala ang pagpapakinis ng kanyang mukha gamit ang fractional laser treatment ng isang beauty clinic.

Bumalik na rin daw sa pag-aaral si Xander at kasalukuyang naka-enroll sa American Institute for English Proficiency. So, magi­ging Inglisero na si Xander pagkatapos niyang mag-aral doon?

Anyway, ang tsika pa, papasok daw sa PBB (Pinoy Big Brother) house si Xander ngayong 2018, kaya mukhang magtutuloy-tuloy pa rin naman ang kanyang career kahit sinasabi pang maraming hate siya at bina-bash nga sa social media.

Kris pakakasal na  sa negosyanteng dyowa

ANG Impostora naman na pinagbibidahan ni Kris Bernal, hanggang February naman daw ang airing. Ang duda nga ng marami, after ng Impostora, baka lumagay na raw sa tahimik si Kris dahil sobrang in love raw ang dalaga sa kanyang businessman-boyfriend na hindi DOM dahil nagre-react siya sa ganoong intriga, ‘noh?

Eh, lately, may mga pagkakataon si Kris na nagpo-post sa kanyang social media account kung saan ay inaalagaan niya ang kanyang nephew na Justin ang name, kaya ang duda tuloy ng marami ay baka type na ni Kris ang magka-baby rin.

Inggit na kaya si Kris sa dating leading man na si Aljur Abrenica na enjoy na enjoy na sa pagiging tatay sa anak nito?

Balitang very liquid na naman itong si Kris, meaning, marami na siyang naipong datung, kaya puwede na nga siguro siyang mag-asawa, huh!

Suporta ng  sponsors hiling  ng OPM producers

PINURI naman ng karamihan ang concert producers na sina Cacai Velasquez-Mitra at Anna Puno dahil sa walang sawa nilang pagpo-produce ng OPM concerts kahit pa nga mas todo-bigay ang mga kapwa natin Filipino sa pagsuporta sa foreign concerts na medyo dumadagsa lately sa ating bansa, huh!

Eh, ang foreign concerts kasing ito, ang mamahal ng tickets, pero grabe kung kagatin ng mga kababayan natin!

Sabi ni Cacai, magagawa pa rin nilang mababa ang ticket prices ng kanilang concerts katulad ng #paMORE pre-Valentine concert nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid sa MOA Arena on February 10 kung susuportahan sila ng sponsors.

Sabi nga ni Cacai, sana ay mas suportahan ng sponsors ang mga concert na sariling atin!

Malaking tulong daw talaga ang sponsors para makapagbigay sila ng magagandang concerts. Kung sa benta lang kasi sila ng tickets aasa, baka hindi ganoon kagaganda ang concerts na mai-produce nila ni Anna!