Abante Tonite Interactive

Xander na-infect ang retokadong ilong?

By
8,165

May kumakalat na alingas­ngas kung bakit nawala sa sirkulasyon ang internet sensation na si Xander Ford.

Matatandaan na hinahanap siya ng kanyang management dahil hindi niya diumano nasisipot ang mga natanguang commitments.

Pero totoo ba ang chism na umano’y na-infect ang retokadong ilong niya kaya nagtago muna ito at nagpagaling?

Huling video ni Ford sa Facebook last year ay nilinaw niya na hindi siya nawawala. Aniya, nagpapahinga lang siya.

“Siguro pagod na pagod po ako. Actually kung makikita niyo po sa itsura ko wala pa po akong kain. Gusto ko po sana huwag po munang mag-work kahit ilang buwan lang po. Napapagod po ako. ‘Di po ako robot,” deklara niya.

Anyway, bukas ang panig ni Xander Ford sa Abante Tonite kung totoo ba na naimpeksyon ang kanyang ilong.