Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xander nilantad ang boyfriend

0 1,011

NI: ROLDAN CASTRO

Ayaw kagatin ng karamihan ang gimik ni Xander Ford na may boyfriend na siya.Pinagtataasan siya ng kilay.

Pinaparatangan siyang ginagamit lang niya umano ang bisexual issue para panoorin at pagkakitaan ang vlog niya. Pumupukaw raw siya ng atensyon.

May paandar pa siya ngayon na nilantad ang dyowa na nakamaskara.

“I’m with my loved one. Hindi ko siya ipapakita sa inyo kasi medyo nahihiya pa ako. Private po ito, kung anuman ang meron. Siya na ‘yun,” bulalas ni Xander sa video.

Saad pa niya ngayon lang daw sya nakaramdam na ma-attract at ma-develop sa kapwa lalaki.

Idiniin di niya na hindi sila naggagamitan.

Tinanong din kung bakit kailangang magmaskara ang BF niya. Dapat proud daw ito sa pagmamahalan nila.

Kung si Xander daw ang masusunod ay gusto raw niya ipakita ang dyowa pero napagdesisyon nilang itago dahil sa husga ng mga tao.

Sa bandang huli ipinakita na rin ang face ng dyowa niya. Handa na raw niyang harapin ang sasabihin ng mga tao.

Anyway pinagdududahan pa rin ang pasabog na ito ni Xander .Suspetsa nila ay nililihis niya umano ang isyu sa demanda ng ex-girlfriend niya na pang-aabuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.