Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xander  walang pampiyansa

0 1,308

Naka-video call ng komedyanteng si Petite si Xander Ford.Kinumusta niya ito.

“Ito po sobrang stress sa mga pinaggagawa sa akin,” bungad niya.

Tanong ni Petite.Ilan ba ang kailangan mo?Willing akong tumulong .

“Salamat po ma. Basta matapos lang po  ‘yung ano..titingnan ko po kung nasaan yung subpoena, pupuntahan ko.Tapos,di ko lang po alam kung paano ko po babayaran ‘yun. Kung saan po ako kukuha ng ano (pera) po,” pakli ni Xander

“Subpoena? Ay akala ko..papadala sana ako ng  tatlong plantsa. Hindi ko kaya ‘yun piyansa, plantsa lang,” tumatawang pakli ni Petite.

Talbog!

Lorna nagsumbong sa dasal

Makahulugan ang post ni Lorna Tolentino sa kanyang Facebook  at Instagram account. Prayer by Maloi Salumbides ang nakalagay.

Bagamat walang tinutukoy, akmang-akma rin ang dasal na ito sa nangyayari sa  pagsasara ng ABS-CBN 2.

Si LT ay napapanood  bilang si Lily sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ng Kapamilya Channel.

Narito ang nilalaman ng dasal.

“Lord, pwede pong magsumbong? May mga naghahari-harian dito sa aming bayan. Ipipilit kung anong maibigan. Igigiit kahit labag sa katuwiran.

“Lord, pwede po bang umiyak?Ang sakit na po kasi sa kalooban.Pagtapak sa aming karapatan ay tahasan.Interes ng dayuhan, yun ang napapaboran.

“Lord, pwede po bang humiling? Bayan namin, kailan Niyo po pagagalingin? Katarungan, kailan muling magniningning Lupang Hinirang, kailan tuluyang palalayain?

“Lord, pwede pong payakap?Yung yakap na papayapa sa mga takot ko.

Yung yakap na magpapaalalang Ika’y narito. Yung yakap na magsasabing Pilipinas matatapos din ito.

“Ito po ang aming daing. Ito po ang aming dalangin kay Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas ng Pilipinas.

“Amen.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.