Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xia magmamana ng 14 bahay

0 227

NI:ARCHIE LIAO

Marami ang humanga sa galing ng child wonder na si Xia Vigor nang magpamalas siya ng galing noon sa singing at impersonation sa reality show na Your Face Sounds Familiar Kids edition.

Sa nasabing show, napatunayan ang galing niya sa singing at dancing.

Dahil sa kanyang pagiging natural performer, nagbigay daan din ito para mabigyan siya ng breaks sa pelikula at telebisyon.

Noong 2019, marami siyang pinahanga at pinaiyak niya sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 na Pinoy adaptation ng Korean blockbuster movie with the same title.

Ginampanan niya rito ang papel ng isang batang nawalay sa kanyang mentally challenged na ama na napagbintangan sa pagpatay sa krimeng hindi nito ginawa.

SM food to go Banner Ad

Ang role ng kanyang retarded na ama ay binigyang buhay ni Aga Muhlach.

Naging surprise hit din ito dahil ito ang itinanghal na blockbuster sa nasabing filmfest kung saan tinalo nito si Vice Ganda.

Nagwagi rin ang father-daughter tandem nila ni Aga na box office king and queen sa 51st Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Awards.

Sa ngayon, marami ang nakaka-miss sa bagong child wonder pagkatapos ng matagumpay nitong pelikula.

May ilang kibitzers namang nagsasabi na hindi na kailangang magtrabaho ng child actress dahil isang heredera ito sa Inglatera. Maraming ari-arian ang kanyang mga ama sa Exmouth, England.

Katunayan, sa website na Okayy.net, naibalitang pagdating niya sa tamang edad, nakatakdang magmana si Xia ng labing-apat na bahay mula sa ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.