Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian, Bela, Angelica patalbugan kay Kim

0 365

Kahapon (April 19) ay ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 31st birthday at ang ilan sa pinaka-unang nagpahatid ng birthday messages sa aktres ay ang mga taong pinakamalalapit sa puso niya.

Patalbugan at pahabaan ng pa-tribute ang dalawa niyang matalik na kaibigang sina Bela Padilla at Angelica Panganiban. Pero siyempre, ang bongga rin ng birthday message ng boyfriend niyang si Xian Lim.

Ayon kay Xi, siya na raw ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil kay Kim. Nakaka-touch din ‘yung pagre-recall niya ng first date nila ng GF many years ago at ang mga pinagdaanan ng kanilang relasyon.

“I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side. Naaalala ko pa nung first date natin, you told me that you’re worried that what we have might not last because of this crazy world we live in.

“Neysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts, so many people trying keep us apart.

“May years later, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa, nagmamahalan na parang walang bukas,” bahagi ng mensahe ni Xi.

Sumumpa rin ang aktor ng pagmamahal sa GF kahit na ano pa ang mangyari.

“I love you so much Kim, always remember that. Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second. HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU🎉🎊🎂🎉 Enjoy this special day!” pagtatapos ng message ni Xi.

Si Angelica naman ay nagpasalamat sa Diyos for having Kim as a friend. Pinuri rin niya ang pagiging mabuting tao ng aktres at kung gaano siya napapasaya nito.

“MOMSIE!!!!!!! Happy birthday!!!! Napakabuti ng puso mo, napaka sarap mong mag mahal, napaka swerte ng mga taong inaalagaan mo, pinagpapa salamat ko palagi kay God na naging kaibigan kita.

“Masayang masaya kami kapag kasama ka namin. Hindi lang dahil sa pinapatawa mo kami, kundi dahil sa hinahayaan mo kaming paglaruan ka. 😂 sana makapag swimmingst ulit tayo, with your snorkeling thingst. Kailangan na natin mag crash sa isang bday party verver soon. Love you momsy kimmy! Happy birthday,” ang birthday greetings ni Angelica P na tulad ni Xian ay may series of photos nila ni Kim na kalakip.

Nag-post din si Bela ng mga larawan nilang tatlo nina Kim at Angelica at ang bongga rin ng pa-tribute niya sa birthday celebrant.

“Chinitaaaaa!!! To the pucca to my shells and the twin I chose to have…I wish for you to be the happiest person today. ❤️ people have known you for years through their screens as the girl who wears her heart…and her thoughts on her sleeve, and you are exactly that but also so much more.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Thank you for the laughs, the extremely fun moments, and all the in betweens…whether it’s a dinner run in Hawaii, a mission in New York, tough and sad airplane rides, a simple catch up AngBeki sesh or deep conversations after shoots.

“I will forever be grateful that you saw me through my hardest times and made sure that we’re always happy no matter what. I love you Kimmyyyyyy!!!! Dadalan kita ulit ng cake, teka. Also hindi ka namin binigyan ng copy nung second photo kasi ipopost mo tapos yung caption “near, far wherever you are, I believe that, the heart does…go on, happy Monday IG Friends!!!!!” ang mahabang mensahe ni Bela sa kaibigan.

Nagpasalamat naman si Kim sa boyfriend at sa mga kagrupo sa AngBeKi, gayundin sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan.

Ermat ni Angelica lumalaban sa virus

Patuloy pa ring nakikipaglaban sa COVID-19 ang ina ni dating sexy comedienne Angelica Jones na si Beth Jones. Ilang araw na itong nasa ICU (intensive care unit) and intubated.

Sa kanyang Facebook page, araw-araw ay walang palyang humihingi ng dasal si Angelica para sa ina.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay malungkot na ibinalita ni Angelica na nagpositibo sila ni Mommy Beth sa killer virus, pati na rin ang 8-year old son na si Angelo.

Base sa mga post ng dating sexy comedienne, magkasama sila sa regular room ng anak sa ospital sa San Pablo City, habang nasa ICU naman ang kanyang ina.

Ang huli niyang post ay noong last Sunday kalakip ang larawan ng hand-written letter niya para sa ina na talaga namang nakakadurog ng puso.

The letter read: “Dear Mama Beth, please lumaban ka. . .God loves you. Di ako tumitigil sa pagdadasal at nakikiusap sa Panginoon na pagalingin ka.

“Maghihintay kami Mama…Lord will heal you…Mahal na mahal ka namin magkakapatid at ni Angelo. We love you Mama.”

This is so heartbreaking, sa totoo lang. We’ve known Angelica and Mommy Beth bilang mga masayahing tao at nakakalungkot na makita silang ganito. Dasal din namin na sana’y gumaling si Mommy Beth at malampasan ang matinding pagsubok na ito, gayundin si Angelica at kanyang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.