Abante Tonite Interactive

Xian, Coleen, Nathalie, nag-aalab ang lampungan

By
6,082

Silipin natin ang mainit na lampungan nina Xian Lim, Coleen Garcia, at Nathalie Hart sa pelikulang “Sin Island”.

Sabik na ang mga barako sa huling patikim ni Coleen Garcia ng kanyang kaseksihan bago siya ikasal kay Billy Crawford. Mag-iiwan siya ng mapanuksong imahinasyon sa tikiman nila ni Xian Lim.

Ayaw niyang patalbog kay Nathalie Hart na grabe rin ang love scene

Ang tanong, manood kaya si Kim Chiu sa sexy movie ng kanyang rumored boyfriend (Xian)? Hindi kaya magselos siya kina Coleen at Nathalie pag napanood ito?

Matuk mo ‘yun, dalawang nagseseksihang babae ang kaniig ni Xian sa Valentine’s Day at hindi si Kim ,huh! Showing na ito sa February 14.

-0o0-

Speaking of Kim, tinanong siya ng katotong MJ Felipe kung ano ang masasabi niya sa pag-iwan ni Xian sa Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency.

“That big move he’s doing isa ako sa mga kinausap niya,” pakli niya.

Pinigilan ba niya?

“Grabe kayo! Ako hindi naman ako nangingialam when it comes to work, kung ano ang desisyon niya hands off kami sa isa’t isa pag work.”

‘Yun na!