Abante Tonite Interactive

Xian-cristine gimik trending

292

Nakita namin ang post ni Direk Perci Intalan para sa bago nilang proyekto ng IdeaFirst Company sa Viva Films. Binago talaga nila ang hitsura nina Xian Lim at Cristine Reyes para sa pelikulang “Untrue.”

Bahagi ng caption niya: “#UnTrue starring Cristine Reyes and Xian Lim, directed by Sigrid Andrea P. Bernardo. Now filming in Tbilisi, Georgia. An IdeaFirst production for Viva Films — in Tbilisi, Georgia..”

Pinagpiyestahan ng netizen ang new look ni Xian na may balbas at bi­gote na makikita sa kanyang Instagram account. Bumagay sa kanya ang kanyang rugged look. Ipinakilala rin niya ang kanyang karakter bilang si Joachim sa nasabing thriller-drama movie. Nakawala na raw talaga si Xian sa loveteam nila ni Kim Chiu.

Hindi rin nagpatalbog si Cristine dahil trending din ang new look niya at kulay pulang buhok.
“Bongga,” re­aksyon ng mga netizen.