Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian ‘di atat pakasalan si Kim

0 129

Dahil usong-uso ngayong pandemic ang engagement at kasalan among celebrities, aminado si Xian Lim na ang dami ring nagtatanong sa kanya kung susunod na ba sila ni Kim Chiu.

Pero aniya ay matagal pa raw bago sila magpakasal ng girlfriend.

“Maraming nagtatanong sa akin regarding that, pero matagal pa ‘ko, eh, matagal pa kami,” sey ni Xian sa isang mediacon kamakailan.

Ayon sa aktor ay marami pa raw silang gustong gawin ni Kim.

“There’s so many things na we want to be able to accomplish and marami pa kaming gustong gawin, and I think wala pa sa time na ganun, or even talking about it, hindi namin napag-uusapan. Matagal pa po,” he said.

Samantala, inamin din ni Xian na traumatized pa rin siya up to now sa nangyaring nakawan sa bahay nila at hindi pa rin daw niya matanggap ang nangyari.

Bagama’t napapaligiran daw ng metal bars ang kanyang bahay at may mga CCTVs pa ay nagawa pa ring pasukin ito. Kaya ang mensahe niya sa lahat ay maging extra careful dahil delikado raw talaga ang panahon ngayon.

Regine tinanggihan si Coco

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin ni Regine Velasquez na inalok siya ni Coco Martin na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano pero natanggihan daw niya ito dahil hindi kaya ng schedule niya.

“Nakakatawa si Coco kasi meron na siyang storyline for me, but unfortunately I couldn’t,” sey ni Asia’s Sonbird in a virtual mediacon.

That time raw kasi na in-offer-an siya ni Coco ay ang dami niyang ginagawa and may mga concerts pa siya.

Inamin naman ni Songbird na nanghinayang din siya dahil maganda pa naman daw ang story na binuo ni Coco for her.

“But who knows? Baka pwede pa naman,” sey niya.

Samantala, speaking of FPJAP, tinutukan ng maraming Pilipino ang pamamaalam ng karakter ni Yassi Pressman sa nasabing top-rating action-drama series last Monday.

Humakot ng higit sa 102,000 peak concurrent
viewers ang
emosyonal na episode sa parehong YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at
nalagpasan nito ang sariling live viewership record ng programa sa Kapamilya
Online Live pagkatapos ang tatlong magkakasunod na episode. Wala pa mang isang
araw, nakapagtala na rin ang episode ng higit sa 4.1 milyong views sa YouTube.

Bago pa ito, tinutukan na rin ng mga Pinoy ang maaksyong tapatan sa pagitan ng Task Force Agila at Black Ops hanggang pagkamatay ni Alyana sa pinakahuling tatlong episodes ng show na nagtala na ng higit sa 9.6 milyong views ang highlights sa YouTube.

Noong Lunes, nag-trending naman sa Twitter Philippines ang hashtag na #FPJAP5HabangBuhay pati na ang “Alyana,” “Cardo,” and “Ang Probinsyano” dahil sa pagpapahayag ng viewers ng pagdadalamhati sa nakakaiyak na pamamaalam nina Cardo (Coco Martin) at Alyana sa isa’t isa sa isang panaginip.

Leave A Reply

Your email address will not be published.