Abante Tonite Interactive

Xian ‘di haharangin ang escort ni Kim sa Star Magic Ball

935

tonite-this-is-it-roldan-castroDadalo ba si Xian Lim kung imbitahan siya ni Kim Chiu na ma­ging escort sa Star Magic Ball?
Hawak na kasi ng Viva Artists Agency si Xian at hindi na Star Magic ta­lent.

“Siyempre, pag in-invite ako, di ba? Alangan namang sabihin ko. . .(na hindi),” pakli ng aktor.
“With Kim, sa amin kasi, sa aming dalawa, pag wala naman kaming ginagawa or open kami, we really do see each other. And ngayon lang, kasi ang dami rin niyang ginagawa, ako rin, may mga ginagawa rin ako. So, minsan, hindi nagtatagpo ang schedule but if she invites me, why not?” lahad pa niya.

Matatanggap ba niya kung iba ang kuning escort ni Kim?

“That’s really up to her. We’re not the type na “o, ganito, ha?” Hindi kami nagdi-dictate sa isa’t isa. It’s better that way.”

Kumusta na sila ngayon?

“Okay naman. Same-same pa rin,” tugon pa niya.

Makakasama ba niya si Kim ngayong gabi sa premiere night ng Miss Granny?

“I know, she’s a very busy person. Ayoko namang mag-assume na pupunta siya, but definitely, i-invite ko siya,” bulalas pa ni Xian.

Showing na ang Miss Granny sa August 22 kung saan ay kasama niya sina Sarah Geronimo at James Reid.

Ruru, Julie Anne, Migo bumida sa trade launch ng ‘Barangay 143’

Mainit na tinanggap ng advertisers ang inaabangang first Filipino anime series na “Barangay 143” sa ginanap na trade launch nito kamakailan.

Kumpleto para makisaya ang lead voice actors nito na sina Ruru Madrid, Migo Ade­cer, Kelley Day, at Julie Anne San Jose pati na rin sina Edu Manzano, Pinky Amador, Jaime Fabregas, Cheska Kramer, Doug Kramer, Kendra Kramer, Archie Alemania, Kimpoy Feliciano, Roadfil Macasero, at Gary Lim. Present din ang producer at managing director ng Synergy88 Entertainment Media Inc. na si Jackeline Chua.

Hindi nagpahuli sa pasabog ang naturang anime show dahil bukod sa star-studded event, namigay rin ito ng pasabog na prizes sa mga bisita tulad ng trip to Korea, brand new motorcycle at isang brand new car.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng fans ang pagdating ng “Barangay­ 143”, Kanya-kanya ng haka-haka ang netizens sa magiging timeslot at magiging takbo ng kuwento nito. Ma­ging international publications tulad ng WorldScreen, C21Media, at Prensario ay updated din sa nalalapit na Philippine television milestone na ito.

Makakasama din sa voice cast sina Cherie Gil, John Arcilla, Sylvia Sanchez, Alice Dixson, Teresa Loyzaga, Pen Medina, Benjie Paras, Paolo Contis, Ping Medina, at Jerald Napoles habang si Gloc-9 at Dea naman ang kumanta ng official theme song nito.

Bukod sa anime series, abala din ang Barangay 143 sa “3 on 3 Celebrity Challenge and Mini Concert” nito na umiikot sa mga bara-barangay.

Mapapanood ang “Barangay 143” nga­yong Oktubre sa GMA 7.

Krizzanthena masarap lingkisin

Kandidata ng Miss Tourism Philippines si Krizzanthena Charla Babano. Siya’y 20 years old. Pambato siya ng General Trias Cavite. Masarap lingkisin ang kanyang katawan at kaseksihan kung ibabase sa kanyang bikini photo.

BS in International Travel and Tourism Ma­nagement sa Lyceum of the Philippines University – Cavite ang kurso niyang kinuha.

“Nagsimula po ako sa modelling nu’ng 13 years old ako. Na-stop dahil nag-focus muna sa studies.

Pangarap kong maging flight attendant. Sumali ako sa Miss Tourism Philippines para i promote ang ang natatanging ganda at mga produkto ng General Trias,” deklara pa niya.