Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian ‘di kampante kay Kim

0 178

Hindi na pala na-solve ang robbery case complaint ni Xian Lim nang pasuking ang kanyang bahay ng mga magnanakaw noong nakaraang Enero. Kaya sad to say, hindi na raw nalaman pa kung sino ang mga may gawa.

“Ganu’n ‘yung proseso, I guess you just file na ganito ‘yung nangyari, ganu’n na lang,” sey niya kahapon sa zoom presscon para sa bago niyang game show na 1000 Heartbeats Pintig Pinoy sa TV5.Ang pilot episode nito ay sa Sunday, March 21 at 8PM.

“Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na. Parang magpapagod ka ba para hanapin ‘yung mga tao na medyo mahirap na hanapin. So ‘yun. I think it’s a matter of not letting it happen again on my part,” patuloy niya.

May mga nagsasabi nga rin na dahil daw sa house tour niya sa YouTube kaya napagplanuhan ang kanyang bahay pero para kay Xian, ang mali ay mali. Mali ang magnakaw at hindi dapat isisi sa biktima kung nanakawan ito.

“Hindi pwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh. ‘Di ba? Ang puno’y dulo niyaan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do. So, hindi siya mali para sa akin. I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita ‘yung bahay nila,” he said.

At dahil nga 1000 Heartbeats ang titulo ng game show ni Xian, natanong din ang aktor kung malakas pa rin ba ang pintig ng puso niya para sa girlfriend na si Kim Chiu since medyo matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

“Oo naman. Syempre. Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makapante sa isang relationship,” aniya.

Samantala, first time na magho-host ni Xian ng isang game show at aminado siyang kabado siya and yet very thankful dahil sa kanya ipinagtiwala ang nasabing franchise mula sa United Kingdom.

“The reason why I accepted this project, ever since, gusto ko na talagang maging isang game show host eh,” sey niya.

Noon pa raw siya ay gusto na raw niyang maging katulad nina Billy Crawford kaya naman sobrang happy siya na natupad na ito ngayon.

Billy nagdasal , umiyak sa kawalan ng trabaho

Ka-back-to-back naman ni Xian si Billy Crawford sa nasabing Zoom presscon para naman sa bagong game show rin nitong The Wall Philippines na nagsimula naman sa NBC USA kung saan ay isa sa producers ang sikat na NBA (National Basketball Association) player na si LeBron James.

Ang The Wall Philippines ang ikatlong show ni Billy sa Kapatid network kaya naman sobrang happy rin ng TV host/singer sa sunod-sunod na trabaho. Magsisimula ito sa Saturday, March 13 at 6 PM.

“I’m sobrang blessed, super-happy ako. Una sa lahat, napakatapang, napakaganda, napaka-sexy ng asawa ko (Coleen Garcia), pangalawa, napaka-cute ng anak ko kahit hindi ko kamukha, kamukha ng asawa ko (sabay-tawa), napakabait pa ng anak ko, hindi masyadong umiiyak, bungisngis, laging ngumingiti.

“And to top it all, ‘yung icing sa cake na binibigyan pa rin ako ng pagkakataon para gawin ‘yung ginagawa kong trabaho at para ipakita pa rin sa mundo na nandito pa rin ako. So, I’m really, really blessed,” sey ni Billy.

He recalled na last year ay talagang hindi naging madali sa kanya ang pandemic na nasundan pa ng shutdown ng ABS-CBN.

“Nung nawalan kami ng trabaho, nun’g ang ABS-CBN ay medyo alanganin pa at one point, may mga times na nag-uusap kaming mag-asawa na parang ‘ano gagawin natin, benta na lang ba natin lahat tapos lipat na lang tayo ng ibang bansa?’ May mga tipong life decisions na kailangang gawin, kasi hindi madaling tumanaw ng positivity sa lahat ng negative na nagyayari sa paligid mo.

“Pero ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon, nagdasal kami nang todo-todo at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin,” saad niya.

Nang dumating ang offer ng TV5, dito raw niya napatunayan na totoo ang laging sinasabi ng kanyang ama na ang lahat ng problema ay may solusyon.

Kaya ngayon, kahit anupamang pandemic ang dumating at umalis, ang pinakaimportante raw ay gawin mo ang tama para sa iyong pamilya.

Ngayon ay okay na okay na raw siya at gumigising nang may ngiti sa labi.

“I should say, I’m happy, alam mo ‘yun? Nakakangiti tayo paggising natin ng umaga, hindi tayo napapakamot ng ulo na anon’g gagawin ko bukas or anon’g gagawin ko next week, alam mo ‘yun? May schedule na ‘ko, I have a lot of things to look forward to and alam mo ‘yung drive, ‘yung push na nandiyan na ‘yung anak namin ni Coleen, mas lalo kaming sumisipag,” wika ni Billy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.