Abante Tonite Interactive

Xian ‘di kayang idirek si Kim

411

Director na ang Viva artist at aktor na si Xian Lim sa pelikulang “Tabon”.

Produkto ng workshop ni Ricky Lee si Xian, kaya napakinabangan niya ang kanyang natutunan sa master screenwriter sa pagbuo ng kuwento ng “Tabon”.

Fan daw siya ng mystery thriller tulad ng nobela ni Rad Bradbury at Sidney Sheldon. Maging ng Twilight Zone series na malaking impluwensiya sa kanya kaya ito ang napiling genre niya na isumite sa nasabing filmfest.

Gusto na rin ni Xian na seryosohin ang pagdidirek ng pelikula.

Katunayan, marami na raw siyang naiisip na istorya after “Tabon”.

Nang uriratin namin kung ready na siya na idirek ang girlfriend na si Kim Chiu, sinabi niya na wala pa raw siyang naiisip na materyal para kay Kim.

Hindi rin niya diretsahang sinagot kung okey lang sa kanya na makipag-kissing scene si Kim sa ibang leading men na siya ang magdidirek.

Aniya, depende raw naman iyon kay Kim dahil hindi raw niya masabi kung kailan darating ang panahong iyon. (Archie Liao)