Abante Tonite Interactive

Xian ‘di masikmurang idirek si Kim na iba ang kalampungan

435
tonite-imo-vinia-vivar
Given the opportunity, gusto rin ni Xian Lim na i-produce niya ng movie ang loveteam nila ni Kim Chiu lalo pa nga’t matagal na silang hindi nagkakatrabaho.
 “Nababanggit ko kay Kim ‘yan, sinasabi ko kay Kim ‘yan, sabi ko, ‘Kim, alam mo naman na nagtayo na ako ng (production)…’” sabi ni Xian.
Abante Hiring – IT dep
Aminado rin si Xian na ­na­mi-miss na niyang katrabaho si Kim dahil ang last project pa nila ay ang pelikulang “Past Tense” noong 2014.
 Kumportable ba siyang idirek si Kim kung sakali?
“Parang nakakakaba ­isipin,” natatawa niyang sabi.
Gusto ba niyang idirek si Kim?
“Hindi ko pa naiisip ‘yun, pero why not?”
When asked kung kaya ba niyang idirek si Kim sa pelikulang tulad ng “One Great Love” na last film ng aktres?
“Parang hindi ko ­kayang idirek ‘yun, ipipikit ko muna ang aking mga mata, sabihin n’yo sa akin ‘pag okay na,” natatawa niyang sabi.
Pero sa ngayon, nasa le­vel na raw talaga sila na may tiwala sa isa’t isa at hindi na kailangang matakot pa sa mga love scene.
 “Pero seeing it, uy, first time kong makikita ‘to, ah,” sambit pa ng aktor.
Samantala, happy naman ang aktor na may pelikula siyang ipapalabas sa first quarter ng 2019 at ito ay ang “Hanggang Kailan?” with Louise delos Reyes na showing na sa Feb.  6 mula sa direksyon ni Bona Fajardo.
Bukod sa pagiging aktor, co-producer din dito si Xian ng Viva Films at BluArt Productions under his XL8 Productions.

Showbiz pinagpistahan ang pagkapanalo ni Pacman

Kanya-kanyang bati kahapon ang mga celebrities natin sa pagkakapanalo ng ating Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao sa laban niya kay Adrien Broner held at MGM Grand Arena in Las Vegas.

 

Post ni Gary Valenciano, “This man has managed not just to win boxing matches…but hearts of people from all around the globe. At his age, he is pro­ving that nothing is impossible with the God he is so committed to.
Congratulations Sen. Manny Pacquiao. May this victory inspire the countless ones that so desperately need to be inspired and encouraged. Mabuhay po kayo and to Jesus be all glory forever and ever.”

 

Bumati rin sina Sunshine Cruz, Diego Loyzaga, Ruffa Gutierrez, Marco Gumabao,  Lovi Poe, Zsa Zza Padilla, Ogie Alcasid among others.
Nag-post din si Marjorie Barretto before the fight at ikinuwento na nagkasabay sila sa eroplano ni Pacman.
“My children and I were on the same flight to LA with Senator Pacquiao’s Family. What an honour it was to get a chance to chat with him one on one for quite sometime. We talked about my children, his fa­mily, his Mom, his wife until he shared some bible verses with me. He was the most humble important person I have talked to. I have always admired him as a fighter, but after getting to know him I have only the best things to say about him.
We’re praying for his victory today. May God be with you,” ani Marjorie.