Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian ‘dinugo’ kay Kim

0 81

Sa kanyang vlog na nahati sa dalawang bahagi, ipinakita ni Xian Lim ang naging bakasyon nila ng nobyang si Kim Chiu sa Thailand kamakailan.

Ayon sa couple, excited sila dahil ito ang unang bakasyon nila abroad mula nang magkaroon ng pandemya.

Tulad ng required travel requirements, sumailalim sila sa Covid-19 test na compulsory sa nasabing bansa.

Bago pa man sila tumulak ng Phuket, nag-stay muna sila sa Bangkok.

Dumaan din sila sa isang templo para magsindi ng joss sticks sa isang templo for safe travels.

Sa Phuket, nag-island hopping ang lovebirds kung saan sinuyod nila ang magagandang tourist spots sa nasabing favorite destination tulad ng Maya Bay (kung saan kinunan ang pelikulang “The Beach” ni Leonardo di Caprio), Monkey Island, Phi Phi at James Bond Island.

Creepy ang naging ‘feel’ sa dalawa sa Maya Bay dahil sa mga maliliit na bahay na itinayo ng mga residente rito bilang pag-alala sa mga kaluluwa ng mga namatay sa tsunami sa naturang lugar noong 2004.

Pumunta rin sila sa Monkey Island kung saan nakipag-ungguyan.

Nagpakasasa rin ang magkasintahan sa pag-eenjoy ng white sand beaches sa Phuket kasama na ang snorkeling and surfing.
Dinayo rin nila ng Elephant Sanctuary kung saan pinakain nila ang ilang mga elepante.

Nakipagtampisaw din sa tubig si Xian sa paliligo ng elephants.

Sa kanilang food trip, nagbiro si Xian sa girlfriend dahil tila namahalan ito sa isang course ng meal na in-order nila ni Kim na umabot sa P10 k.

Marami naman ang natuwang KimXi fans sa bonding ng magdyowa through their vacation.

May mga faney nga ang nag-aakalang magpro-propose na si Xi kay Kim pero hindi ito nangyari.

Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers sa kanilang naging bakasyon.

“Nakakainggit naman ng KimXi.”

“Ang sweet naman nila. Pero, parang ‘dinugo’ si Xian sa gastos. Hahaha.”

“Hindi naman high maintenance si Kim. Di rin naman siya, bilmoko.”

“Natural na siya lang ang gumastos kasi siya ang lalake.”

“Hindi na uso ang lalake ang gumagastos. Dapat, hati sila.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.