Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian inaabangan na idirek si Kim

0 106

Nilait ng mga kritiko ang first directorial attempt ni Xian Lim na pelikulang Tabon. Hindi masakyan ang kanyang pa-art sa horror slash thriller na pinagbidahan ni Christopher Roxas.

Gayunpaman, ayon sa actor, learning experience raw sa kanya ang nasabing ‘baptism of fire.’

Katunayan, naging receptive naman siya sa mga kritisismo kung paano pagbubutihin pa ang kanyang craft. Lalo pa’t produkto rin siya ng scriptwriting workshop ng master screenwriter na si Ricky Lee.

Hindi rin dahilan iyon para ma-discourage si Xian na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging filmmaker.

Fast forward, ngayong taon, nakatapos na pala siya ng isang romantic comedy TV series ang Viva artist para sa WeTV.

May ilang mahadera ang nagtatanong kung nag-improve na raw kaya ang actor sa kanyang style pagkatapos na malait ang kanyang directorial debut.

Pagtatanggol naman ng ilan, it’s to early to judge raw dahil ongoing pa raw naman ang nasabing serye at wala pang reviews.

May kibitzers namang hinihintay kung kailan daw naman kaya ididirek ni Xian ang girlfriend na si Kim.

Anila, malay mo, baka raw mapaarte nang husto ni Xian si Kim at magka-award pa ito.

Ivana ‘hinipuan’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinag-uusapan ngayon ang isang video kung saan huli sina Ivana Alawi at Marco Gumabao habang nakikipagjamming sa ilang mga kaibigan.

Todo kanta pa si Ivana habang prente naman si Marco na nakahawak sa hita ng actress turned Youtuber. Birong puna ng iba ay ‘hinipuan’ diumano.

Dahil dito, kumalat na parang apoy ang mga espekulasyon na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Hirit ng ilang kibitzers, papayag daw ba ang sexy actress na hawakan siya sa hita ng Viva hunk actor kung walang namamagitan sa kanila.

Sey naman ng iba, huwag daw namang masyadong bigyan ng malisya ang nasabing eksena.

Baka raw naman nadala lang si Marco sa emosyon kaya sa tuwa nito ay napahawak ito sa lap ng actress.

O ito raw ba ang kaso ng bagong uri ng bonding “as a friend.”

Sa kaso naman ni Marco, aminado naman itong type niyang dyowain ang crush niya si Ivana nang sumalang siya sa “jojowain o trotrophahin” challenge.

Isa rin si Marco sa sumorpresang well-wishers ni Ivana noong nakaraang birthday nito.

Sa bagong development na ito, may mga nagsasabing wala raw namang masama kung maging official couple na ang dalawa dahil bukod sa bagay sila ay pareho silang “hot” o kapanta-pantasya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.