Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian inalat kay Jennylyn

0 132

Tila inalat agad ang unang proyekto ni Xian Lim bilang Kapuso, huh!

Kasi, may “interesting stage’ na ganapan sa buhay ni Jennlyn Mercado.

Abangan na lang natin ang mga pagbubunyi na “mabuhay ang bagong kasal”. Iyan ay kung totoo ang akala ng mga daldakina na ang susunod na kabanata sa relasyon ni Mercado kay Abelardo Dennis Florencio Ho ( Dennis Trillo) ay sa altar na .

Kung uuha namang bata pagkatapos ng siyam na buwan, hindi na ito dapat gawing isyu ngayong millennial times .Lalo na nga’t tunay naman ang pagmamahalan nina Jen at Trillo. Talagang grabehan ang commitment nila to make their relasyon work, eh talaga namang solido at pangmalakasan.

A baby is the biggest blessing para sa Kapuso couple .Pareho na rin namang binatilyo sina Alex Jazz Mercado at Calix Andreas Ho kaya welcome na welcome na sila na maging mga kuya of a new brother o lovely sister.

So, kung totoo nga ang haka-haka na mother to be na ang original StarStruck ultimate female survivor, papalitan kaya siya sa “Love, Die, Repeat” nila ni Alexander? Dahil nga may “die” sa titulo ng bago niyang television project, justifiable ba na “mamatay” agad ang kanyang katauhan kung sakaling tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho?

Marami pa naman ang nanalig na bagay sina Jen at Xian kaya kung mawawala o papalitan ito, nakapanghihinayang. Pero siyempre, ang kalusugan ni Jennylyn ay premium concern na dapat pangalagaan.

Sino naman kaya ang ipapalit kay Mercado pag nagkataon? Eh halos lahat ng starlets sa network ay may pinagkakaabalahan.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata kung inalat nga ba ang tambalang Jennylyn Mercado at Xian Lim? Huwag naman sana, noh!

AJ, Aljur ligtas sa eskandalo

Bago pa lumagablab lalo ang apoy, ang Vivamax Sex Goddess AJ Raval at ang social media personality Xian Gaza ay nagkaayos na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ano nga bang kaguluhan ito? Si Gaza ay may diumanong bidyo na magkasama si Raval at ang Machete ng makabagong panahon, si Aljur Abrenica. At bakit magkasama sa isang lugar ang dalawang artista? May shooting ba sila para sa isang bagong pelikula o sadyang malikot ang imahinasyon ng pipit ni Gaza kaya nag one plus one equal two hundred twenty four ?

Kinasahan ni Raval ang paandar ni Xian at nag-public apology na rin ang bruho sa millennial pampainit ng mga barakong laging may mga nagngangalit na kapirasong laman.

Ikanalugod ni AJ ang paumanhin at ang bidyong iningunguso, gone with the wind at lost in space na rin. May biro pa nga si Raval na dahil sa maagap na paumanhin at ginawa ni Gaza eh mahal niya ito.

Ang nakakabaliw ang eme ni Xian na na-fa-fall na siya sa Vivamax Sex Goddess. Juice colored! May bago na namang sasambahin ang internet personality sa katauhan ni Elizabeth Buensuceso, huh!

Ganda ‘di bet agad si Ion

Marami ang kinilig sa pahayag kamakailan ni Queen Bayot Vice Ganda tungkol sa relasyon nila ni Ion Perez.

Paglalahad ni Reyna Jose Marie sa isang online payanig kung paano nag-blossom at bloom ang kanyang pagtingin at pagtangi kay Benigno: “Naku-cute-an din ako paunti-unti, pero ‘di ko talaga siya bet agad. Ang pinaka na-in love talaga ako sa kanya, ang bait talaga. ‘Yung buong circle ko, gusto si Ion. Hindi ko pa gusto si Ion talaga, gusto na siya noong buong circle ko.”

Pagtatapat pa ni Ganda: “Wala kaming spark. Pero nagaguwapuhan ako sa kanya. Alam mo ‘yung nilalandi ko siya kasi siyempre malandi ako ‘di ba, pero hindi malalim. Hindi agad. Slow burn kumbaga, tapos ang ganda nu’ng pumutok.”

Nakakabongga naman yung ‘pumutok’ hindi ba naman?

Sabi pa ni Vice: “Tapos nu’ng na-hurt ako, sabi ko, ay ‘di ko to deserve. Ang deserve ko talaga, ‘yung mabait, ‘yung matino. Para naman akong tanga, para naman akong gago, dasal ako nang dasal sa Diyos, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng mamahalin, bigyan mo naman ako ng magmamahal sa ‘kin.’ Pero pinipili ko naman ‘yung ‘di ako mahal, ‘yung ‘di naman mabuti sa akin. Tapos ‘eto, ‘yung mabuti nasa harapan ko tapos hindi ko naman pinapansin.”

Buhay na patotoo ang pahayag na ito ni Vice Ganda na indeed “you can’t hurry love” at talagang “it is a game of give and take.”

Naway, ngayon, bukas at magpakailanman na ang walang kapantay na pagmamahalan nina Vice Ganda at Ion Perez. Support!

Leave A Reply

Your email address will not be published.