Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian inokray na Asia’s Sensation

0 167

Inookray ng ilang kibitzers ang Kapuso actor na si Xian Lim.

Ito ay kaugnay ng kanyang nalathalang pahayag tungkol sa titulong gusto niyang i-associate sa kanya bilang pinakabagong Kapuso.

Kahit pa may halong biro ang nasabing pahayag, hindi solb sa ilang mga nagmamaldita ang bet niyang titulo lalo na para roon sa mga faney ng ibang mga Kapuso stars.

Sa naturang panayam kasi, sinabi ng actor na kung si Glaiza ay tinatawag na Asia’s Acting Gem, bet daw naman niyang maging Asia’s Sensation, titulong nakakabit na sa singer na si Christian Bautista.

Since nauna nang nakilala si Christian sa nasabing bansag, puwede raw siyang mag-settle sa titulong “Asia’s (Acting) Sensation”chuchu.

Sa showbiz kasi, naging palasak na ang magkaroon ng titulo tulad ni Nora Aunor bilang Superstar, Vilma Santos bilang Star for all Seasons, Sharon Cuneta bilang Megastar at Maricel Soriano bilang Diamond Star.

Kung sa Kapuso station naman, nandiyan sina Alden Richard’s bilang Asia’s Multimedia Star, Heart Evangelista bilang Asia’s Queen of Collaboration at Marian Rivera bilang Kapuso Primetime Queen.

Hirit kasi ng ilang kibitzers, ano raw ang K ng actor para maging sensational star.

Bagamat napansin ang actor sa pelikulang Untrue at nagboses sa isang Hollywood animated film, wala pa raw naman itong nagawang sensational bilang artista.

Derek walang plano na gumawa ng serye

Sa kanyang Instagram account, nagkaroon ng pagkakataon si Derek Ramsay na sagutin ang ilang mga katanungan ng kanyang followers.

Sa naturang Q and A, nahingan siya ng payo tungkol sa sikreto sa long lasting relationship.

Aniya: “Key is communication.”

Dagdag pa niya, super happy rin daw ang married life niya sa piling ni Ellen.

Tungkol naman sa paggawa ng teleserye, semi-retired na raw siya at wala na siyang planong gumawa ng serye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.