Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian inokray sa pangingisda

0 127

NI: ARCHIE LIAO

Sa panahon ng pandemya, kanya-kanyang diskarte ang lahat para mabuhay.

Sa mga manggagawa sa showbiz industry na apektado ng krisis, malaking bagay ang magkaroon ng bagong kaalaman dahil ito ang puwedeng maging kasangkapan upang makapaghanap-buhay.

Sa kaso ni Xian Lim, sinorpresa niya ang kanyang followers sa latest ganap niya sa kanyang IG account. Nagbahagi siya ng kanyang karanasan sa pangingisda.

Sa kanyang post, sinabi niya na nag-try siyang mangisda sa Manila Bay at tinulungan naman siya ng isang mangingisda na makahuli ng isda.

“Give a man a fish, you’ll feed him for a day. Teach a man how to fish, you’ll feed him for a lifetime,” he shared.

“I had the privilege of learning how to fish in Manila bay earlier today,” aniya sa kanyang IG post.

“Kuya mangingisda taught me his own style and eventually, with enough patience…I caught one!” dugtong niya.

Nagawa pa niyang magbiro tungkol sa mga isda pero hindi lahat ay na-gets ang kanyang joke.

“Ano sabi ng isda ng nahati siya sa dalawa? Edi…I’m TUNA!” “Ano sabi ni isda 1 and isda 2? Edi…’hey! ISDA you?!” pagbibiro niya.

May mga nang-ookray naman sa actor dahil sa dinami-dami raw ng puwedeng pangisdaan nito ay bakit daw sa Manila Bay pa.

Hindi raw kaya gurami at hindi tuna ang nahuli ng boyfie ni Kim Chiu dahil wala raw namang tuna sa Manila Bay.

May pagdududa rin sa kanila kung safe bang kainin ang isdang nahuli sa maduming tubig ng nasabing bay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.