Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian kinabog ang alindog ni Kim

0 84

NI: ARCHIE LIAO

Maraming faney ang nag-react sa Instagram post ni Xian Lim kung saan makikita ang kanyang anxious look habang nakasuot ng mujer.

May caption itong “I’m ready for my close up.”

May mga nalito tuloy kung nagladlad na ba ang aktor.

Actually, teaser siya on what to expect sa next episode ng kanyang seryeng False Positive sa GMA-7.

In character kasi siya na nagseselos at may dudang may affair sa ibang lalake ang kanyang misis pero hindi siya puwedeng lumantad dahil sa delikadong kundisyon ng kanyang ‘pagbubuntis,’

Para makumpirma ang kanyang sapantaha, kailangan niyang mag-disguise bilang babae para maespiyahan si misis.

Obserbasyon ng mga netizens, mas maganda raw si Xian sa kanyang gayak bilang babae kesa sa girlfriend nitong si Kim Chiu.

Mas may elya factor din daw ang fez nito kumpara sa Chinita Princess.

Leave A Reply

Your email address will not be published.