Abante Tonite Interactive

Xian kumakawala na sa KimXi loveteam

By
5,064

AYON kay Xian Lim, napanood na raw niya ang lahat ng Miss Granny adaptation, including the original Korean version, pati ang Vietnamese and Indonesian remake.

When asked kung ano ang pinakamagandang version para sa kanya, sey niya, “Iba’t ibang strong points ‘yan, iba’t ibang POV (point of view)”

As we all know, kasalukuyang ginagawa ni Xian ang Pinoy version naman ng Miss Granny kasama sina Sarah Geronimo and James Reid.

Kwento ni Xian, hindi raw nalalayo ang Pinoy version sa original movie ng South Korea.

“Very faithful, very loyal (sa original),” sey niya.

Gagampanan ni Xian sa Miss Granny ang papel na Lawrence na love interest ni Sarah G. Ito ang first project niya sa Viva Films matapos siyang lumipat ng management from Star Magic to Viva Artists Agency.

Mukhang lumalayo na nga si Xian sa loveteam syndrome at gumagawa na ng solo career although ayon sa aktor, siyempre, kung bibigyan sila ng project ni Kim Chiu na magkasama, okay na okay pa rin naman sa kanya.

***

KC at Aly maselan ang break-up

ANG gandang tingnan ng bonding ng mag-amang Gabby and KC Concepcion na ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account. Tila magkasamang nag-ce­lebrate ang father-and-daughter nitong nakaraang Chinese New Year.

Sa short video na ipinost ni Gabby, makikitang nakayakap sa kanya ang anak na si KC at naglalambing. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga fans nila since alam naman nilang bihira ring magkasama ang mag-ama.

Natuwa rin ang netizens sa dialogue ni G­abby sa video na, “Take care because we care.”

Nag-post din si KC sa kanyang IG Story ng bonding nilang mag-ama sa isang tila restaurant.

Samantala, marami na ang nakakapansin na matagal nang walang post si KC na magkasama sila ng boyfriend na si Aly Borromeo and many are wondering kung wala na sila.

May nagko-comment na isang netizen sa IG page ni KC na sana raw ay patawarin na niya si Aly at magbalikan na sila.

May nagtanong naman kung ano raw ba ang kasalanan ni Aly at sagot ng netizen, “Medyo maselan and cannot disclose the information.”

Pati ang IG page ni Aly ay inuulan ngayon ng tanong ng mga netizens about the rumored break-up.

Komento ng isa, “What a waste page wala na kayo ni KC. You make a good couple sana.”

So far, wala pa namang confirmation mula sa dalawa kung split na sila kaya nakabitin pa ang lahat tungkol sa tunay na estado nila.

***

Coleen magpapa-sexy pa rin pagkatapos ng kasal nila ni Billy

WALA namang balak mag-lie-low sa showbiz si Coleen Garcia pagkatapos ng kasal nila ni Billy Crawford sa Abril. At wish daw niya na may gawin na raw siya agad na proyekto after the wedding.

“Right now, like I’m so game that it’s not even up to me, it’s up to those who will give me the opportunities talaga,” sey ng aktres.

Magkakaroon na ba siya ng limitasyon sa pagpapa-sexy pagkatapos ng kasal?

“Wala, wala naman. Siguro, I don’t know, if that time will ever come, if it will come, siguro, ‘pag may mga anak na kami. Kasi parang ang sagwa naman kung mga 40s na ako, tapos ganito pa rin, ‘di ba?

“Pero I’m just… nilulubos ko ngayon kasi I know I won’t be able to do it forever. May hangganan din naman. Pero I hope rin naman na makatanggap ako ng other projects that are not sexy also. Para ‘di ba, maiba lang? Kasi most of the films I’ve done, nasa tema na ‘yun,” she said.

Sa ngayon, after Sin Island with Xian Lim and Nathalie Hart ay wala pang next project si Coleen para na rin makapag-focus siya sa preparations ng kasal.