Abante Tonite Interactive

Xian Lim natulala kay Sarah G.

By
1,740

NGAYONG showing na ang Sin Island, ang pagkakaabalahan naman ni Xian Lim ngayon ay Miss Granny movie niya with Sarah Geronimo and James Reid under Viva Films.

In fact, nakapag-shootin­g na nga raw siya with the Popstar at pag-amin ng aktor, talaga raw na-starstruck pa rin siya kahit madalas na niya itong nakikita.

“Natulala ako. Nakaka-starstruck. Kasi hindi ko in-expect na makakasama ko siya, hindi ko in-expect na magkakatrabaho kami.

“Nun’g ipinakilala ako ni Direk Joyce (Bernal), sabi ko, ‘hello’, alam mo ‘yun?” kuwento ni Xian.

Oo nga’t nagkikita raw dati pa ni Sarah sa ASAP, hanggang sa pagkikita lang daw ‘yun.

“Usually naman sa ASAP, palaging nagmamadali mga tao, eh. But I mean, this time, ‘di ba, it’s working with a person you always wanted to work with, iba,” sey ni Xian.

Natuwa rin daw siya sa warm welcome ni Sarah sa kanya now that he’s also part of Viva family.

Gagampanan ni Xian ang role na record produ­cer na si Lawrence na na-in-love kay Miss Granny na karakter nga ni Sarah.

Kris beast mode dahil tinawag na magnanakaw

BEAST mode si Kris Aquino last Monday dahil sa isang basher na tinawag siyang magnanakaw. Kahit nasa US at kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang mga anak, hindi ito nakapigil para hindi niya idepensa ang sarili.

Ang comment ng basher­ base na rin sa ipinost na screenshot ni Kris, “ang yaman ah! Pero yung pera para pala ninakaw lang.”

As expected, hindi ito pinalampas ni Kris at kitang-kita sa sagot niya na talagang galit siya. Tinawag niyang makapal ang mukha ng basher.

“You messed w/ the wrong woman. Ang kapal ng mukha mo na tawagin akong magnanakaw when you are the one guilty of IDENTITY THEFT. Whichever both account this is, or whichever group is funding this troll account you should have at least had the intelligence to not use a picture of a famous blogger @hapatime, Jessica Ricks.

“Then when I called you out – you suddenly changed your twitter handle & IG pic. The problem is you can attack me w/ absolutely no evidence about stealing when in actuality you are the MAGNANAKAW.

“Please – wag mo kong itulad sa ‘yo o kung sino man ang nagfu-fund ng o­perations ninyo. How many times do i need to REPEAT- i have no political plans for 2019- so your demolition job is way too early.

“Strategic planning please? I am not my Mom & I am not Noy – in other words I am not like them who will choose dignified silence & humility. HINDI AKO MABAIT especially pag nananahimik akong nagtatrabaho & nagsusumikap na maging mabu­ting ina, pero binabalahura pa rin ang pagkatao ko.

“While we still have democracy – I shall defend what I worked hard to achieve & I will never again allow myself to be stepped on & trashed by people who don’t even have the courage to creat­e a true social media account. #TRUTH #AUTHENTICITY,” ang mahabang litanya ni Kris.

Ipinost din niya ang account ng basher na ito na may handle name na cess_line143 at ang original account ni Jessica Ricks kung saan ay makikita ngang ang profile picture ng basher ay ang isa sa la­rawan ng huli.

Ang nasabing post ay nilagyan ni Kris ng hashtags na #NoToFakes, #nototrollaccounts, #NoToIdentityTheft at #TRUTHWINS.

Sinuportahan naman si Kris ng kanyang mga followers at binash din nila ang basher.

Ang iba naman ay hindi ma-imagine si Kris na pwede palang magalit nang ganito katindi. Ang iba naman ay nagpayong huwag daw patulan ang basher na gusto lang sumikat.