Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian mas galante kay Gerald

0 1,500

Nag-resort na naman sa guessing game ang ilang katkatera sa naging rebelasyon ni Kim Chiu sa kanyang vlog kamakailan.

Sa naturang vlog, napag-usapan ang tungkol sa kanyang dating nobyo na hindi naman niya tinumbok kung sino.

Nausisa rin ang chinita actress kung okey lang sa kanya ang makipagkaibigan sa kanyang ex-dyowa.

Aniya, kuntento na raw siya sa estado niya ngayon.

Pahiwatig naman niya, hindi na raw nabalik sa dati ang kanilang bond at nanatiling hindi sila magkaibigan ng tinutukoy niyang dating nakarelasyon.

Hirit pa niya, ayaw rin kasi ng ex na maging friend siya pero hindi na niya inesplika kung bakit.

Sa naturang vlog, inamin din ni Kim na naranasan na niyang lokohin ng nasabing karelasyon.

Pero, siya raw ay isang one-woman man dahil never pa niyang nagawang manloko ng karelasyon.

Dahil sa rebelasyon niyang ito, tinumbok ng ilang netizen na ang tinutukoy niya umano ay ang ex na si Gerald Anderson . Nang pumasok siya sa showbiz ay isa pa lang ang naging boyfriend nito bago pa sila naging opisyal ng current flame nitong si Xian Lim.

Apat na taon naging magkarelasyon ang dalawa.

Nagpapasalamat din daw siya na never siyang inutangan ng sinuman sa kanyang mga naging boyfriend.

Katunayan, para sa kanya, galante si Xian sa lahat ng kanyang naging boyfie.

Hindi raw niya malilimutan ang treat nito sa kanya sa kanilang bakasyon sa Palawan at maging sa Balesin. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.