Abante Tonite Interactive

Xian may last minute pasabog kay Kim sa V-day

4,795

SWEETNESS overload ang mga posts nina Xian Lim at Kim Chiu kahapon, Araw ng mga Puso. Apparently, magkasama sila base na rin sa mga larawang in-upload nila pati na sa IG story ng aktres. Tila out of town trip ang gimik nila kahapon.

Isang cheesy pick-up line ang pinakawalan ni Xian sa kanyang IG account bilang pagbati kay Kim.

“Ang galing mo si­guro sa puzzles, kasi umaga palang buo na araw ko. Good mor­ning! HAPPY ARAW NG MGA PUSO!!! @chinitaprincess,” ang caption ni Xian sa sweet photo nila ni Kim kung saan ay makikitang tila nasa isang garden sila. Mukhang ATM (at the moment) ang larawan dahil ito rin ang suot nila sa post ni Kim pati na sa IG story niya.

Sa larawang ipinost ni Kim ay makikitang nakasakay sila sa top down convertible car ni Xian at sa caption, hindi niya nakalimutang i-promote ang ‘Sin Island’ na movie ng aktor na nagsimula na ring ipalabas kahapon.

“HAPPY HEARTS DAY!!! So proud of this man right here and how much he has grown as an actor. you gave your all in this project! heard a lot of great reviews from the special scree­ning from plot twists to how the story unfolds, sabi nga nila its one hell of a ride!!! definitely worth watching!!!! SIN ISLAND now showing in cinemas near you!!! @xianlimm,” ang caption ni Kim.

Sa IG Story naman na in-upload ni Kim, makikita sila ni Xian driving in a top down car at ang aktor ang nagmamaneho habang ang aktres ay nagsa-sound trip ng kanyang album. Makikita sa dinadanan nilang lugar na tila outside of Metro Manila ang kanilang destinasyon.

Coleen at Billy, after two years pa gustong magka-baby

HINDI pa plano ni Coleen Garcia at Billy Crawford na magkaroon agad ng baby after the wedding pero ayon sa aktres, kung ibibigay ni Lord, they would be thankful, of course.

“Sa akin, kung ibi­nigay ng Diyos, tatanggapin namin because mas okay na ‘yung maaga kaysa ‘yung wala. So, I’ll always be thankful. And you know, kasama naman ‘yun sa mga pa­ngarap namin sa buhay namin together.

“Pero it if were up to us, siyempre, gusto namin ‘yung siguro a couple of years muna just to really get know each other as husband and wife. Kasi iba ‘yung mag-boyfriend-girlfriend kayo, iba rin ‘yung mag-asawa kayo,” ani Coleen.

When asked kung may honeymoon na ba sila, ani Coleen ay hindi pa raw siya sure pero kung sakali, bandang July pa.

“Kasi ngayon, may PGT (Pilipinas Got Ta­lent) siya and ako rin, actually, this is the first time sa buong career ko since I joined ‘It’s Showtime’ na pa. Kasi kakausapin pa lang ako (ng network) and I don’t know pa what the next plans are for me.

“So right now, I’m just really focused on the wedding preparations,” sey ng lead actress ng ‘Sin Island’.