Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Xian mukhang may asawa na

0 976

Hindi inatrasan ni Kim Chiu ang mga most googled questions sa kanya ng kanyang followers sa latest edition ng kanyang vlog.

Game niyang sinagot ang mga tanong sa kanya ng kanyang mga faney.

Unang itinanong sa kanya ang unang movie niyang nagawa at sa pagbabalik-tanaw niya, ito raw ang First Day High kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigang si Maja Salvador.

Happy raw siya na nakatrabaho niya noon ang aktres dahil aminado siyang idol niya ito.

Sa tanong naman kung paano siya nakapasok sa pag-aartista, ibinahagi niya na nag-audition siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan isa siya mga napalad na napili sa Bahay ni Kuya.

Sinabi rin niya na may dugong Chinese siya at ito raw ay namana niya sa great grandma niya.

Katunayan, ipinarinig din niya ang kanyang skills sa pagsasalita ng Mandarin at Fookien.

Sey pa niya, mas marunong daw siyang mag-Fookien kesa Mandarin.

Tungkol naman sa itinuturing niyang best friends sa showbiz, ito raw ay sina Angelica Panganiban at Bela Padilla. Sa mga lalake raw, si Xian ang masasabing best friend niya sa kanyang niyakap na mundo.

Outside of showbiz, ito raw ang kanyang ate na naging karamay sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

Mahilig din daw siyang mag-drive dahil para daw niya ito para ma-destress sa trabaho.

Sa pang-uurot naman ng ilang netizens, kung kasal na sila ni Xian Lim, sinabi ni Kim na hindi pa sila sa kasal pero napagkakamalan lang marahil dahil mukhang asawa raw lang niya ang actor dahil sa closeness niya rito.

Aminado rin siyang ito ang unang seryosong relationship niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.